2 Grade 7 students ng Norala National High School, positibo sa Covid-19

KORONADAL CITY — KINUMPERMA ngayon ni Norala, South Cotabato Mayor Clemente Fedoc na dalawang Grade 7 students ng Norala National High School ang nag-positibo sa Covid-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa alkalde, sinabi nito na nakitaan ng guro ng sintomas ng Covid-19 ang dalawa dahilan upang tumawag ito sa kanilang Rural Health Unit.

Agad namang isinailalim sa swab test ang dalawa at lumabas na positibo sa nakakahawang Covid-19. Isinailalim din umano sa antigen ang mga na close-contact ng dalawa at nag-negatibo naman sa virus.

Sa ngayon, naka-isolate na ang dalawang estudyante habang kinansela naman ang klase ngayong araw sa nasabing paaralan para sa isasagawang disinfection.

Leave a Reply

Your email address will not be published.