2 paaralan sa Legazpi City, humakot ng parangal sa 12th First Lego League Philippines sa taong 2023

Nagpakitang-gilas, galing at talino ang mga mag-aaral mula sa Albay Central Elementary School (ACES) at Legazpi City Science High School (LEGASCI) sa 12th First Lego League Philippines 2023 ng Felta Multi-Media, Inc. nitong Pebrero 10-11 sa Cyberzone, SM North Edsa, Quezon City.

Ang LEGASCI ay itinanghal bilang finalist sa robotics challenge at nagawaran ng Core Values Award at FLL Gracious Professionalism award.

Ang FFL ay isang science, technology at educational event na may layuning magbigay ng oportunidad sa mga promising elementary at secondary students na mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng robots at robotic systems sa paaralan.

Layunin din nitong mahikayat ang mga kabataan na maging future engineers, scientists at inventors upang matulungan ang ating bansa na maging technologically-driven.

Ang mga grand awardees na ito ay magiging kinatawan ng Philippine National Robotics Team sa FLL World Championship sa Houston, Texas, USA sa Abril 16-24 at FLL European Open Invitational  sa Marrakech, Morocco sa Mayo 15-22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *