Aabot sa 240,000 pirasong itlog, sinira sa Bacolod City port sa gitna ng bird flu scare

Aabot sa halos 240,000 table eggs na nagkakahalaga sas P1.4 million ang nakumpska at sinunog ng mga otoridad sa port ng Bacolod City.

Ang destruction sa mga itlog ay alinsunod sa joint Executive Order (EO) ni Bacolod Mayor Alfredo Abelardo Benitez at Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson, para labanan ang banta ng avian influenza, o kilala bilang bird flu.

Ayon kay  City Legal Officer Romeo Carlos Ting Jr. na ang public health and safety ang laging topmost priority ng Bacolod City government, habang para naman kay Lacson, na ang origin ng mga itlog ay hindi pa matukoy.

Sa katunayan, sinabi ng gobyernador na batay sa personnel ng delivery truck, na ang kanilang destinasyon ay Iloilo, pero nagbaba ng ilang itlog sa Bacolod.

Samantala, sinasabi naman ng drivers ng sasakyan na ang mga nakumpiskang itlog ay mula sa Bantayan Island, Cebu, pero sa nakuhang expired permit, lumalabas na ang naturang mga produkto ay mula sa D. Santillan Piggery Farm sa Mancilang, Madridejos, Cebu at papuntang Tabunok Public Market sa Talisay City, Cebu. (BCD PIO PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *