20-25K na mga deboto inaasahang makikiisa sa Peñafrancia de Mayo 2023 sa Naga City ngayong linggo

NAGA CITY- Aabot sa 20,000 hanggang 25,000 na mga deboto ang inaasahang makikiisa sa pagdiriwang ng Peñafrancia De Mayo sa Naga City.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Fr. Pablo Carpio Vice Rector of Basilica Minore.

Malayo man ang bilang kumpara kapag Setyembre, mahalaga ito para sa debotong abala sa nasabing buwan tulad na ng mga negosyante at mga ayaw makipagsiksikan sa milyong mga deboto tuwing Peñafrancia Festival.

Sunod-sunod ang prusisyon ngayong linggo tulad mamaya sa pagdala ng imahe ng Inang Peñafrancia mula sa Basilica patungo sa Our Lady of Guadalupe Chapel sa Naga City People’s Mall  at alas-7 ng gabi sa Mayo 26 gaganapin ang Fluvial Procession mula sa NCPM pabalik sa Basilica pati ang Lantern Festival.

Ang Mayo ay buwan ni Birheng Maria, ang okasyon ay inilaan din para sa mga kababaihan na hindi nakikipagsabayan  sa mga voyadores tuwing Traslacion at Fluvial Procession tuwing Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *