20 mga bata sa Bicol Region na operahan na sa kauna-unahang Pediatric Cardiac Surgical Mission  

NAGA CITY-Magpapatuloy hanggang bukas Marso 24, 2023 ang kauna-unahang Pediatric Cardiac Surgical Mission ng Philippine Heart Center at Bicol Medical Center.

Ayon kay Dr. Gerardo Manzo , Deputy Executive Director ng PHC umabot na sa 20 mga bata na may problema sa puso ang kanilang naoperahan mula nitong Marso 19.

Napag-alaman na ang mga pasyente sa heart center ng BMC ay mga mula rin sa mga kararating probinsya tulad ng Camarines Norte, Albay at Sorsogon; 2-anyos ang pinaka bata sa kanila.

Dahil sa napaka komplikado ng operasyon at marami ang nais, na screen ng mabuti ng mga pediatric cardiologist ang mga sasailalim dito. Sa nga hindi pa nakasama tatakda ng panibagong panahon subalit hindi pa ito batid kung kailan.

Ayon kay Medical Center Chief II Dr. Ronnie Gigantone III patuloy na magsisilbi ang BMC para sa mga may problema sa puso, i-iimprove pa ang mga pasilidad at ang kanilang serbisyo kasama ang mga ahensya ng Gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *