Paghahain ng COC para sa BSKE, inilipat ng Comelec sa buwan ng Agosto mula Hulyo

Inilipat ng Commission on Elections o Comelec sa buwan ng Agosto mula Hulyo ang paghahain ng certificate of candidacy para Barangay at SK Elections 2023.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia , na ang paghahain ng COC ay tatakbo na ngayon mula August 28 hanggang September 2 sa halip na ang unang schedule nito sa July 3 hanggang July 7.

Tiwala ang opisyal na kahit nagbago ang petsa ng paghahain ng COC mabilis naman nilang matutukoy ang nuisance candidates.

Ang desisyon ng komisyon na ilipat ang schedule ng paghahain ng COC ay matapos umapela si Sen. Francis Tolentino at humiling na ipagpaliban ang paghahain ng COC dahil sa katwiran na masyadong maaga kung itutuloy ito sa Hulyo.

Kahapon, naglabas na ng calendar of activities ang poll body para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *