Isang ama sa China, walang tigil na pinaglaro ng mobile games ang kanyang anak sa loob ng 17 oras

BILANG parusa walang tigil na pinaglaro ng mobile games, ng isang ama sa Shenzhen, China ang kanyang anak matapos na mahuli itong nag pupuyat dahil sa paglalaro.

Kung saan, masaya naman itong sinunod ng bata dahil sa pabor umano ang naging parusa sa kanya ng ama, ala una ng madaling araw ng mahuli ng tatay ang anak na gising at naglalaro pa base sa makikita sa video ng tatay na inupload nito online, at ganoong oras din nagsimula ang parusa ng bata.

Magdamag na tinutukan ng ama ang paglalaro ng anak kung saan pinipigilan nito ang tangkang pagpapahinga o pagtulog ng kanyang anak  kahit na nakakaramdam na ito  ng pagod at antok.

Sa 17 oras na walang tigil na paglalaro ng bata pagsapit ng 6:30 ng gabi ay  hindi na nito  nakayanan, kaya ang bata nagmakaawa na sa kanyang ama na hindi na niya kaya at gusto na niyang magpahinga.

Kung saan ito ay nangako sa ama na magiging responsible na pagdating sa paglalaro ng mga mobile games.

Samantala, sa naturang video ng ama umani ito ng ibat-ibang reaksyon kung saan majority dito, ay hindi naintindihan ang naging paraan niya ng pagdedesiplina sa anak, tingin ng karamihan ay isa itong pang aabuso sa kabataan na agad namang pinabulaanan ng ama sa isang pahayag na ito umano ang naisip niyang pinakamabisang paraan upang matuto at magtanda ang kanyang anak.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *