Umabot sa dalawandaang mga bata sa Candelaria, Zambales ang nakatanggap ng regalo mula sa Municipal Police Station.
Ibinigay ang mga ito noon mismong araw ng pasko sa Brgy. Yamot sa pangunguna ng mga kapulisan.
Katuwang dito ng PNP ang Global PCR Advocacy Group at Faith Based para mapasaya ang mga bata sa lugar.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng saya ang mga bata sa panahon ng nakalipas na kapaskuhan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: PCADG Central Luzon
