250 tonelada ng basura nakolekta ng SWMO sa Naga nitong Pasko

NAGA CITY – Umabot sa 250 toneladang basura ang nakolekta ng Naga City Solid Waste Management Office sa kakatapos pa lang na pasko, inaasahan na ito ng naturang opisina lalo na ngayon na halos wala ng restrictions.

Sa naging pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, Head ng SWMO, sinabing alas-2 ng madaling araw pa lang ng mismong araw ng kapaskuhan agad nang naglinis ang mga personahe at halos sampung truck ang nagamit. Layunin na kaagad na maging malinis ang lungsod at bago pa man ang kapaskuhan nagdagdag na sila ng tao.

Mahigit 300 toneladang basura naman ang inaasahan nilang mahahakot ngayong Bagong Taon kung saan panalangin nilang huwag umulan bukod sa mas maraming basura dumidikit kasi sa kalsada ang ilan sa mga ito na mahirap tanggalin.

Ayon pa sa opisyal na agad din naman silang maglilinis pagkatapos na pagkatapos ng bagong taon.

Disiplina sa pagtapon ng basura ang hiling ng opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *