230 patay dahil sa heat wave sa Canada

Umabot sa mahigit 230 na tao ang naitalang patay sa British-Columbia sa Canada dahil sa pinaniniwalaang historic heat wave.

Ayon sa report ni Chief Coroner Lisa Lapointe, nagsimulang maransan ang heat wave sa British Columbia kung saan agad na naitala ang pagtaas ng kaso ng mga biglang pagkamatay.

Kumbinsido si Lapointe na mas marami pang maitatalang kaso ng pagkamatay dahil sa patuloy na nararanasang temperatura.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung tanging ang matinding init ng panahon ang talagang dahilan ng mga naitalang fatalities.

Ayon sa mga otoridad, maaaring magresulta sa pagkamatay ang sobrang exposure sa environmental heat exposure lalo na ng mga matatanda, mga sanggol at mga batang mayroong chronic illnesses.

Una nang nakapagtala ng mga biglaang pagkamatay ang mga otoridad sa Vancouver at kalapit na Burnaby at Surrey

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *