24/7 operations target ng gobyerno sa bubuoing vaccination facility sa Ngayong Pilipino – NTF

Target ng gobyerno na gawing 24/7 ang operasyon ng vaccination facility na plano nitong buoin sa loob ng Nayong Pilipino.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na ang kagandahan sa nasabing pasilidad ay magkakaroon ito ng sariling storage facility, na pwedeng tumakbo ng 24/7 para sa tuloy-tuloy na pagdating ng suplay ng bakuna.

Umaasa naman ang gobyerno na magiging handa ang nasabing proyekto sa loob ng isang buwan at kalahati sa kabila ng pagtanggi rito ng Nayong Pilipino Foundation.

Ipinunto ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi pa pumipirma ang NPF Board of Trustees sa kasunduan kasama ang NTF Against COVID-19 para sa konstruksyon ng nasabing pasilidad.

Mababatid na inalmahan ng NPFBT ang pinaplanong konstruksyon ng mega vaccination facility dahil  kailangan na sibakin ang nasa mahigit 500 puno para mabigyan ng espasyo ang nasabing pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *