251 paaralan na nais mag limited face-to-face sa Camarines sur may concurrence na sa mga LGU

NAGA CITY- 299 sa 307 paaralan sa Bicol Region na mga nais nang magkaroon ng limited face-to-face classes ang nabigyan na ng concurrence ng kanilang mga LGUs.


Ito ang ibinahagi ng Department of Education- Bicol sa naging virtual visit ng Sec. Leonor Briones.
Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad, 251 nito ay mga paaralan sa Camarines Sur. Pinakamataas kumpara sa ibang mga probinsya. Sinusundan ng Ligao sa Albay na mayroon 28 at Camarines Norte na may 7.


Ayon naman kay Sec. Briones, ang pangulo parin ang masusunod kung kailan mag-uumpisa ang limited face-to-face ngayong tuloy-tuloy ang vaccination roll out. May mga guidelines na kailangang tinggan kahit pa pumayag na ang LGU; una kahandaan ng DepEd kasama dito ang mga pasilidad, sumunod ang kahandaan ng pagpayag ng LGU, pangatlo ang pahintulot ng mga magulang.

At pang huli ang estado ng transportasyon o kung papaano makakarating sa paaralan angmga guro at estudyante ngayong nasa pandemya pa, kasama pa ang mga nagseserve sa paaralan tulad ng nasa canteen.


Dagdag ni Briones, may mga pag-aaral na mas mababa ang tsansa na tamaan ng COVID-19 ang mga bata, subalit uuwi sila sa kanilang bahay kung saan ang ibang nakatira ay immunocompromised kung kaya’y kailangan aniyang plantsahin ang lahat para sa ligtas na learning modality

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *