Alamin: Ang Iron Dome Defense System

Ikinamangha ng buong mundo ang ipinamalas na kakayahan ng Iron Dome defense system ng Israel para protektahan ang bansa mula mga missile attack ng Palestinian Islamist movement na Hamas.

Ito ay matapos saluhin ng air-defense interceptor missiles ng Iron Dome ang libo-libong rockets na pinakawalan ng Hamas na tinatayang umabot na sa 2,800.

Sa kabila ng pag-ulan ng mga missiles sinabi ng Israeli Government na wala silang naitatalang casualty at wala major damage, – salamat sa Iron Dome.

Ano nga ba ang Iron Dome defense system?

Ang Iron Dome system ay binubuo ng network ng connected batteries at radars na kayang magpaputok sa mga rockets na nakikita nitong papunta sa mga populated areas habang hinahayaan naman nito ang rockets kung ang direksiyon nito ay papunta sa mga walang taong lugar.

Ang bawat battery ay mayroong radar detection, tracking system, firing control system at tatlong launchers para sa 20 interceptor missileskung saan bawat isa ay may range sa pagitan ng 4 hangang 70 kilometers.

Ang naturang defense system ay unang ideneploy noong 2011 na na-develop ng Israel’s Rafael at IAI defense companies.

Ginawa ito sa tulong ng Estados Unidos na may $1.6 billion funding para sa maintenance.

Ayon kay Israel Missile Defense Organization head Moshe Patel, said that up to January Iron Dome ang bawat launch ng naturang interceptor ay nagkakahalaga ng $50,000 o katumbas ng mahigit P2 million.

Noong 2019 lumagda ang US Army ng kontrata para bili ng dalawang Iron Dome batteriespara mapalakas ang short-range missile defense capabilities ng Amerika.

Samanatala maliban sa Iron Dome may iba pang missile defense systems ang Israel katulad ng Arrow, ito naman ay may natatutok sa counter ballistic missiles, at ang David’s Sling na nakalaan para sa medium-range rocket o missile attacks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *