26 patay matapos hagupitin ng cyclone ‘Tauktae’ ang India

Umabot sa 26 ang inisyal na naitalang patay sa paghagupit ng cyclone Tauktae sa coastal states ng Gujarat, Kerala, Karnataka, Goa at Maharashta sa India.

Ayon sa report, karamihan sa mga namatay ay sanhi ng pagkalunod sa dagat, mga bumigay na bahay, kidlat at iba pa na dala ng cyclone.

Nananatili ngayon sa evacuation center ang daan-daang libong residente na kinailangang ilikas dahil sa pagtaas ng baha at pagngangalit ng alon sa karagatan.

Umabot kasi sa halos apat na metro ang taas ng alon sanhi ng storm surge sa mga baybayin.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat na ginagawa ng State’s Disaster Management Authorities para matukoy ang tunay na bilang ng fatalities at pinsala.

Sinisikap naman ng mga otoridad na mapanatili ang social distancing sa mga evacuees para maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng COVID-19.

Matatandaan na ang India ngayon ang nagtatala ng pinakamalaking bilang ng COVID-19 cases kung saan punuan na ang mga ospital habang maging ang mga punerarya at crematorium ay puno na rin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *