Sen. Go umapela sa pamahalaan na madaliin ang vaccine rollout para agad na maabot ang mga economic frontliners at indigents

Umapela si Sen. Christopher Bong Go sa pamahalaan na kung maaari ay isama ng mas maaga sa COVID-19 vaccination ang mga nasa A4 at A5 category lists.

Sa isang panayam sinabi ni Go na ito ay upang mas lalo pang bumilis ang vaccine rollout at tumaas ang vaccination  rate sa bansa.

Paliwanag ng Senador unti-unti nang nagdadatingan ang mga biniling bakuna ng pamahalaan subalit hangang ngayon ay nasa A1 hangang A3 pala lamang ang pinapayagang bakunahan.

Nabatid na kabilang sa mga A4 category ay ang mga economic frontliners habang ang A5 naman ay kinabibilangan ng mga nasa indigents.

Naniniwala si Go na malaking tulong sa pagpapanumbalik ng sigla ng ekonomiya kung mababakunahan na ang mga manggagawang kinakailangang lumabas para magtrabaho upang may maitustos sa kanilang pamilya.

Hinimok din nito ang gobyerno na magdagdag ng mas maraming vaccination centers sa kahit saang sulok ng bansa upang mas maraming tao pa ang mababakunahan kada araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *