28 patay matapos maaksidente ang isang bus sa Nepal

Patay ang 28 na tao habang marami ang sugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang bus sa north-west Nepal.

Ayon sa report, bumangga ang bus sa gilid ng bundok na nagresulta sa pag-crash nito.

Pinaniniwalaang galing sa Dashain religious festival ang karamihan sa mga sakay ng bus.

Tiniyak ng pulisya na iimbestigahan nila ang nasabing pangyayari habang hindi pa matiyak kung ilan talaga ang sakay ng bus.

Dahil naman sa kondisyon ng ilang sugatan, kinailangan silang ma-airlift sa kalapit na ospital para sa karagdagang gamutan.

Kaugnay nito ay marami ang nagsasabing hindi bago ang road accident sa Nepal dahil sa kondisyon ng mga kalsada at ang hindi masyadong nami-maintain na sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *