Power supply sa warehouse ng NFA sa Libon, Albay hindi pa naibabalik mula nang tumama ang ST Rolly; bilihan ng palay apektado na

BICOL—Umaaray na ang mga magsasaka sa ikatlong distrito ng Albay dahil sa mababa at pahirapang bentahan ng palay lalo ngayong tag-ulan.

Pili rin kasi ang binibili ng National Food Authority (NFA) partikular ang mga tuyong palay lamang dahil sa pahirapan sa pagpapatuyo nito.

Ayon kay Board Member Eva Rebaya, nakausap nya ang NFA sa Ligao City at inilatag nito ang kanilang problema ngayong hindi pa rin magamit ang kanilang apat na dryers dahil sa kawalan ng supaly ng kuryente sa kanilang warehouse sa bayan ng Libon.

Mula kasi nang manalasa ang Bagyong Rolly noong November 2020 ay hindi pa rin naikakabit ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang kanilang electrical connection.

Makailang beses na rin umanong nag follow up ang NFA sa APEC pero hanggang ngayon ay hindi nito malaman kung bakit wala pa ring aksyon ang kumpanya.

Wala rin umanong utang ang ahensya sa APEC kung kaya wala silang maisip na rason para hindi ikabit ng kumpanya ang kanilang power supply.

Samantala, handa naman umanong upuan ng Committee on Energy na pinamumunuan ni Board Member Vic Ziga ang usapin upang maidulog sa APEC para maibalik na ang power supply sa warehouse ng NFA.### || slm, with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *