3 bagong kaso, 21 recoveries at 1 pagkasawi sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng tatlong mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon araw ng Huwebes.

Batay sa ulat ng Department of Health, dalawang bagong kaso ng sakit ang mula sa bayan ng Magarao at lungsod ng Naga sa Camarines Sur, habang isa naman ang mula sa  bayan ng Virac sa Catanduanes.

Zero case naman o walang panibagong kaso ng sakit ang mga probinsya ng Camarines Norte, Albay, Masbate at Sorsogon.

Bunsod nito, umabot sa 1,841 ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon mula sa kabuuang 59,010 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Samantala,  nasa 54,887 na rin ang bilang ng recoveries makaraang madagdagan ng 21 mga bagong gumaling habang naitala rin ang isang bagong pagkasawi, daan upang sumampa sa 2,282 ang  COVID-19 death toll sa Bicol.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *