3 magsasaka, tiklo matapos maaktuhang namumutol ng punong kahoy sa lunsod ng Legazpi

Arestado ang tatlong magsasaka sa P-7, Brgy. San Francisco lunsod ng Legazpi  matapos maabutang namumutol ang mga ito ng punong kahoy.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rogelio”, 70 anyos, “Michael”, 34 anyos at si “Edgar”, 56 anyos na pawang residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, bandang alas dose ng tanghali, sa pinagsanib na pwersa ng 2nd Albay PFMC; at Legazpi CPS ay ipinadala ang mga upang i-verify ang ulat na mayroong patuloy na namumutol ng mga puno sa nasabing lugar.

Inaresto ng rumespondeng grupo ang mga nabanggit na suspek nang hindi nila maipakita ang mga kinakailangang dokumento sa mga pinutol na punong kahoy.

Nakumpiska ang pitong piraso ng bilog na kahoy na may iba’t ibang sukat; isang piraso ng pala; isang piraso ng asarol; at dalawang piraso ng bolo.

Dinala sa Legazpi CPS ang mga suspek kasama ang mga narekober para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *