3 mga barangay na sakop ng BIA, ire-relocate para sa pagpapalawak ng nasabing paliparan

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na tatlong mga barangay sa Albay na sakop o nasa bisinidad ng Bicol International Airport ang ire-relocate para sa pagpapalawak ng nasabing paliparan.

Ayon sa impormasyon, sila ay ire-relocate o ia-assign sa mga relocation sites.

Sa nangyaring konsultasyon, ang mga punong barangay ng Alobo, Gapo at Del Rosario ay nagbahagi ng kanilang concerns o saloobin katulad ng hindi patas na pagbibigay ng pondo at lupa sa mga residente at maging ang hindi sapat na espasyo para sa bawat tahanan para sa magiging relocation sites.

Magbibigay umano ng mga liham na naglalaman ng kasunduan para sa bawat tahanan ng nasabing mga barangay, kung saan nakasaad ang kwalipikasyon at mga dahilan sa pagre-relocate na isusumite naman sa mga barangay at ibe-beripika ng mga kapitan.

Dagdag pa rito, ang mga pondo at lupa sa relocation sites ay ibibigay sa mga kwalipikadong pamilya sa ilalim ng kasunduan.

Samantala, ipinahayag pa ng mga opisyal ang kanilang iba pang mga pangangailangan katulad ng drainage, roadways, street lights at water systems, at humihingi rin sila ng pondo para sa pagpapagawa ng covered court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *