300 pamilya mula sa grupo ng Urban Poor sa Barangay Pangpang target na mabigyan ng libreng bahay at lupa

Puspusan ngayon ang ginagawang trabaho ng Barangay Pangpang sa lungsod ng Sorsogon upang mapadali ang proseso ng pagbibigay ng libreng bahay at lupa sa mga natukoy ng LGU na walang mga sariling bahay sa ilalim ng grupong Urban Poor Community.

Sa panayam ng Brigada News kay Kapitan Bert Balde, sinabi nito na target nila ang 300 pamilya na mapagtayuan ng sariling mga bahay sa tulong ng Lokal na Pamahalan ng lungsod.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang nasabing barangay sa City Government para sa lokasyon at pagbili ng lupang pagtatayuan ng nasabing mga bahay kung saan nais ni Balde na hangga’t maaari ay sa mismong Barangay lamang ang magiging lokasyon nito upang hindi na mahirapan pa ang kanilang mga residente tulad ng mga housing project sa ibang lugar na malayo ang lokasyon ng mga relocation sites.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *