3,083 new COVID-19 infections; Total case count, 1,179,812

Naiulat ng Department of Health ang 3,083 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para tumataas ang kabuoang case count sa 1,179,812, habang hindi kasama ang resulta mula sa tatlong laboratoryo na bigong makasumite ng datos, on time.

Ayon sa DOH, ang mababang bilang ng bagong kaso ay dahil sa simultaneous updates na ginagawa sa COVIDKaya digital information management platform.

Dagdag ng ahensya, iniimbestigahan na at tinutugunan ng COVIDKaya technical team ang ilang datos ng kaso mula sa COVID-19 Document Repository System na hindi naisama sa COVIDKaya at hindi rin bahagi ng bagong case bulletin.

Samantala, dahil sa mga bagong kaso, umakyat ang active cases sa bansa sa 50,635, habang may kabuoang bilang ng recoveries na 1,109,226, matapos gumaling sa respiratory illness ang 6,756 pang pasyente.

Kaugnay nito, ang death toll ay tumaas sa 19,951, matapos maitala ang 38 bagong fatalities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *