380 bags ng iba’t ibang uri ng hybrid palay seeds ipamamahagi sa mga magsasakang Daeteño

CAMARINES NORTE- 380 bags ng iba’t ibang uri ng hybrid palay seeds ang tinanggap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office mula sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay bahagi ng “Masaganang Ani, Mataas na Kita” Rice Program ng DA upang matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita sa pamamagitan ng pagtatanim ng hybrid palay seeds lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ang lahat ng interesadong magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay mabibigyan kung kayat dapat na makipag-ugnayan lamang sa nakakasakop sa kanilang Agricultural Technologist para sa schedule ng pamamahagi ng nasabing hybrid palay seeds.

Samantala, sa mga magsasakang hindi pa nakarehistro sa RSBSA ay maaring magtungo sa Municipal Agriculture Office upang sila ay ma-asistehan sa pagpaparehistro

(Photo courtesy: Daet MIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *