3rd nat’l simultaneous earthquake drill, isinagawa sa isang mall sa Legazpi

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa isang mall sa Legazpi City.

Ito ay bilang paghahanda sakaling magkaroon man ng malakas na lindol.

Ayon sa Mall Manager ng SM Legazpi na si Cindy Lilia, layunin nitong itaas ang kaalaman ng publiko at mga empleyado upang maging handa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa ganitong uri ng kalamidad.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagpanic o kaguluhan ng mga empleyado at customer na maaaring magdulot ng aksidente sa loob ng establisimento.

Dagdag pa nito, mayroon din silang 5 inihandang evacuation area na maaaring mapuntahang sakaling magkaroon ng malakas na lindol.

Nagkakaroon din ng orientation o meeting upang bigyang-paalala ang bawat empleyado ng mall upang alam nila ang mga gagawin kapag mayroong lindol na mararamdaman.

Itinuro din sa aktibidad ang ‘duck, cover and hold’, pati na ang evacuation scenarios; search, rescue, and retrieval operations; emergency medical response at iba pa.

Sinabi pa ni Lilia, masasabi nila ang Mall at empleyado ay handang handa sa anumang sakuna upang matiyak na hindi mababawasan ang kaalaman at masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Photo Courtesy: Claire Hariri

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *