Resbak : binata, utas sa pananaga

Dahil sa matinding galit, ‘dead-on-the-spot’ ang isang binata nang rumesbak ang suspek matapos na magsumbong ang anak nito na umano’y sinuntok siya ng biktima.

Nangyari ang insidente 12:15 ng tanghali, Setyembre 6 sa Purok 5, Brgy Carriedo, Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Alexis Bisoro naninirahan sa nasabing barangay habang ang suspek ay nakilalang si Jovic Hapa Gamba, 40-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng parehong lugar.

Sa ulat, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng Irosin Police may kinalaman sa insidente ng pananaga sa nasabing lugar.

Dinatnan ng mga rumespondeng pulis ang biktima na bulagta na sa lupa at may mga tama ng itak sa mukha, ulo, leeg at sa di kalayuan ay ang putol na kamay nito.

Agad naman na nadakip ang suspek at nakuha sa posesyon nito ang itak na ginamit sa pananaga sa biktima.

Sa impormasyon na ekslusibong nakuha ng Brigada News, habang pauwi na ang meor-de-edad na anak ng suspek galing sa eskwelahan ay tinukso (bully) umano nito ang biktima at bilang ganti ay sinuntok ito ng biktima.

Nang malaman ng suspek ang panununtok sa kanyang anak ay kumuha ito ng itak at nang makita ang biktima ay saka ito pinagtataga.

Kasong murder ang kahaharapin ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *