43% ng pamilyang Pilipino ay ikinokonsiderang sila ay mahirap – SWS survey

Lumalabas sa national survey hinggil sa self-rated poverty na 43%, o halos 10.9 million na pamilyang Pilipino ay ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang “poor.”

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang ilang ng self-rated poor families ay tumaas noong April mula sa 10.7 million noong December 2021.

Mula sa estimated 10.9 million self-rated poor families noong April, 1.5 million dito ang “newly poor,” 1.1 million ang “usually poor,” at 8.2 million ang nagsabing “always poor.”

Nadiskubre rin ang ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ramdam nilang sila ay mahirap ay tumaas sa Mindanao mula sa 43% sa 60% at sa Metro Manila mula sa 25% sa 32%, pero bumaba sa Visayas mula sa 59% sa 48% nalang, at sa Balance Luzon mula sa 41% sa 35%.

Ayon sa SWS, ang national median self-rated poverty threshold (SRP Threshold) o ang average monthly budget na kailangan ng pamilya para hindi nila makita o maramdamang sila ay mahirap ay tumaas mula sa P12,000 sa P15,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *