49% ng mga Pilipino, naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan -SWS

Nasa 49% ng mga nasa hustong gulang na mga Pilipino ang nagsabing bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan base sa nationwide survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong 4th quarter ng 2022.

Samantalang 37 percent naman ang nagsabing walang pagbabago sa kanilang buhay at maliit na porsyento o 5 percent naman ng mga Pilipino ang nasabing lalala pa ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang naturang survey sa 1, 200 adults sa buong bansa mula mula December  10 hanggang Decemeber 14, 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *