Ang kakulangan ng imprastraktura at resources sa mga paaralan sa bansa ang nakikitang “most pressing issue” na kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Sa pagpresenta sa Basic Education Report 2023, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, na habang may kabuuang 327,851 school buildings sa bansa, mayroon lamang 104,536 na mga gusali ang nasa magandang kondisyon sa ngayon.

Samantala, mayroong 100,072 na mga paaralan ang nangangailangan ng minor repairs, 89,252 ang nangangailangan ng major repairs at 21,727 ang naka set para sa condemnation.
Ayon kay Duterte, batid ng DepEd ang realidad na kinakailangan pang magtayo at i-repair ang mga school buildings para ma-accommodate ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa buong Pilipinas.
Naglaan na umano ang DepEd ng kabuuang P15.6 bilion para sa pagtatayo ng mga silid-aralan at mga school building ngayong 2023.//CA