49 points ni Durant bumuhat sa Nets vs Bucks, 3-2 na!

Isang panalo na lamang ang kailangan bunuin ng Brooklyn Nets para makapasok sa Eastern Conference Finals.

Ito ay matapos talunin ng Nets ang Milwaukee Bucks sa Game 5 ng East semis, 114-108.

Sa pamamagitan ng nagliliyab na kamay ni Kevin Durant nagawa ng Brooklyn na makahabol mula sa 18 points na lamang sa 2nd quarter.

Humakot si Durant ng triple-double performance 49 points, 17 rebounds at 10 assists.

Dinagdagan naman ito ni Jeff Green ng 27 puntos kabilang na ang 7 buslo mula sa tres.

Sa panig ng Bucks, 35 puntos ang nakuha ni 2-time MVP Giannis Antetokounmpo na muling nahaharap sa elimination sa Game 6 ng serye na gaganapin sa kanilang home court sa Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *