5 arestado sa paglalaro ng tong-its sa Batangas

Arestado ang limang indibdwal matapos maaktuhan na naglalaro ng tong-its sa Barangay Sampaloc, Talisay Batangas.

Kinilala ng Talisay MPS ang mga naaresto na sina Mercilina Lubrino y Malabanan 45-anyos isang STL bet collector, Maria Cerafica y Olvida, 40-anyos, Rufina Marilou Malabanan y Lajara, 52-anyos at isang fish vendor, Fred Narse y Cabrera, 54-anyos at Nejemias Cabrera y Hernandez 74-anyos na mga pawang residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:15 ng hapon noong ika- 12 ng Setyembre nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang Talisay MPS sa nasabing barangay na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang table cloth, dalawang playing cards o baraha, at perang nagkakahalaga ng P3,340 na siyang ginamit sa sugal.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng Talisay MPS ang limang suspek na nahaharap sa kasong RA No. 9287 o ang Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *