5 City Scholars na pumasa sa ME licensure exam, binigyang parangal ng City LGU

SORSOGON CITY – Binigyan ng pagkilalal ng City LGU ang kanilang limang scholars na pumasa at napasama sa 48 bagong mechanical engineers ng bansa.

Kinilala ang mga ito na sina Engrs. Nessie D. Conda, Russel Jade M. Jaylo, Jesua M. Olaybar, Carmella Eunice V. Fernandez at Rynan B. Caballera pawang mga nagtapos sa Sorsogon State Univesity (SSU).

Maliban sa sertipiko, binigyan din ang mga ito ng cash incentives mula sa City LGU.

Ang simpleng okasyon ay itinaon sa selebrasyon ng Year 2022 Milestone Awarding ng Barangay Affairs and Public Assistance Section (BAPAS) na ginanap sa Residencia Del Hamor sa bayan ng Casiguran.

Umaasa ang LGU na nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami pang iskolar ng LGU na mag-aral ng husto upang maabot ang kanilang pangarap.

Hindi naman aniya magsasawa ang LGU sa paglaan ng pondo upang mapaaral ang marami pang kabataang Sorsoganon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *