5K guro at mga non-teaching personnel sa Sorsogon nabakunahan na kontra Covid-19

SORSOGON CITY – Naturukan na ng CO­VID-19 vaccine ang mga guro at mga personahe ng Kagawaran, ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd)-Sorsogon Provincial Divisions Office.

Sa ginanap na Press Conference, sinabi ni Schools Division Superintendent (SDS) Jose “Toots” Doncillo na nasa 5K o 50% na ang bakunado sa mahigit 9K kawani ng ahensya kabilang na ang mga guro at mga non-teaching personnel, subalit aniya, madadagdagan ito dahil nagpapatuloy pa umano ang vaccination sa bawat bayan.

Paalala naman ng opisyal sa mga guro na ayaw pa ring magpabakuna na malaki ang magiging epekto nito sa nagpapatuloy na blended learning lalo na at napakahalaga ng kaligtasan ng mga ito kontra COVID-19 sa dahilang expose ang mga ito sa maraming tao na posible ding makahadlang sa kanilang pagtuturo.

Matatandaan na nanawagan noon ang World Health Organization (WHO) na dapat isama sa prayoridad sa pagbabakuna ang mga guro at teaching staff.

Ayon sa WHO, dapat itong gawin lalo na sa mga bansa sa Gitnang Asya upang maipagpatuloy ang face-to-face classes sa mga paaralan.

Dagdag pa ng WHO, dapat ay isinasama sa target population groups ng vaccination plans ng pamahalaan ang mga nasa sektor ng edukasyon.

Maikukunnsidera na kabilang sa A4 priority groups ang mga guro sa vaccination plan ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *