Uniformity ng COVID restrictions sa bawat lalawigan para sa muling pagbubukas ng turismo, dapat mapag-usapan –DOT Bicol

LEGAZPI ClTY – Umaasa ang Department of Tourism (DOT) Bicol na magkakaroon ng uniformity ang bawat lalawigan sa restrictions para sa pagbubukas muli ng Turismo sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Herbie Aguas, ang Regional Director ng DOT Bicol, kailangan mapag-usapan sa Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) ang mga protocols na ipinatutupad ng bawat lalawigan upang mabuksan na unti unti ang turismo.

Aniya, malaking potential umano ang rehiyon na maibangon muli ang ekonomiya pagdating sa turismo dahil sa mayroong ibat ibang inioffer ang mga ito.

Dagdag pa nito may mga business establishment tulad ng hotels and restaurant, resorts ang nagbubukas na rin ngunit hindi pa rin sumasapat ang kanilang kita dahil sa limitado pa rin ang dumarating na local tourism.

Nahihirapan din umanong makapasok ang mga local tourist dahil sa protocols ng bawat border na ipinatutupad ng mga ito.

Sinabi ng opisyal, sa oras na bumaba ang bilang ng mga nagpopositibo sa covid 19 sa Bicol kailangan mapag aralan ng mga ito ang restrictions upang matulungang makabangon ang mga nagnenegosyo sa tourism.

May mga iilan pa kasi hanggang sa ngagon ay sarado pa ang kanilang negosyo dahil sa mga lockdown nitong nakaraang taon at kasalukuyang pagpapatupad naman ng granular lockdown sa ibat-ibang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *