5K PDLs, inaasahang magpaparehistro para sa barangay at SK elections

Tinatayang aabot sa 5,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahang magpaparehistro para sa October 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ito ay kasunod ng inilunsad na two-day nationwide special satellite registration sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia, ito unang pagkakataong makaboboto ang mga PDLs kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na pahintulutan muli ang mga ito sa naturang karapatan.

Kabilang sa mga lugar kung saan ito idaraos ay sa New Blibid Prison (NBP), Correctional Institution for Women, Leyte Regional Prison, maging ang Davao Prison and Penal Farm.

Bukod dito, makikiisa rin sa pagpaparehistro ang Zamboanga Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm, at ang Sablayan Prison and Penal Farm.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *