640 bagong kaso ng Delta variants naitala ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health na naitala sa bansa ang 640 na bagong Delta variant cases.

Kaugnay nito ay umakyat na sa kabuuang 2,780 ang Delta variant cases sa bansa . Base sa tala ng DOH, 584 mula sa nasabing mga kaso ang local cases, 58 ang ang mga returning Overseas Filipinos habang bini-beripika pa ang apat na mga kaso.

Sa nasabing bilang 112 ang napag-alamang mula sa National Capital Region, 52 sa Cagayan Valley habang 49 naman ang mula sa CALABARZON Inihayag din ng DOH na dalawa sa mga naitalang bagong kaso ang nagsabing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kanilang address.

Samantala, maliban sa Delta variant cases, nakapagtala din ng bagong 28 na Beta variant cases, 24 na Alpha variant kung saan 23 sa mga ito ay ROF habang lima din ang naitalang P.3 variants

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *