7 bata patay, 16 sugatan sa Russia school shooting incident

Patay ang pitong bata habang 16 na iba pa ang sugatan matapos mag-amok at mamaril ang isang suspect sa isang eskuwelahan sa Kazan city sa Russia.

Sinabi ni Svetlana Petrenko, official representative ng Russia’s Investigative Committee na naaresto ang suspect na tinukoy nitong local resident.

Agad namang nagsampa ng mass murder case ang Investigative Committee laban sa hindi pa pinapangalanang “young” gunman.

Inihayag ng ilang testigo sa krimen na nakarinig sila ng ilang pagsabog bago ang sunod-sunod na putok ng baril.

Nakita din umano ang ilang bata na tumalon mula sa bintana ng eskuwelahan para makatakas

Nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Russian President Vladimir Putin. (LEO-NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *