727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng Naga City na lalahok sa Palarong Bikol na magsisimula bukas, araw ng Linggo Abril 28  hanggang Mayo 4 na kinabibilangan ng 727 na mga atleta at mga coaches na pinondohan ng 10 million pesos ng city goverment para sa allowance, uniform, transportasyon, pagkain at iba pang expenses ng buong team. 

Sinabi naman sa Brigada News Fm Naga ni Fernando “Boy’ Macaraig, Asst. School Deped Supt. ng Division of City School na lagi namang meron inilaan na kaunting pondo ang Department of Education na malaking tulong sa kanilang mga atleta tuwing may ganitong sports competition.

Nilinaw niya na silang mga opisyal at mga kasamahang school heads ay magkakanya-kanyang gastos na kukunin naman mula sa pondo ng kanilang mga opisina, para hindi na rin mabawasan ang pondo ng mga atleta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *