Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR – Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur, na may siyam na uri lamang ng species.

Ayon kay Municipal Councilor, Adonis Aguilar, Committee Chair on Environment at sa Fisheries, marami pa ang dapat na itanim na bakawan, ang dapat na paunlarin na mas makakatulong sa mas pagdami pa ng supply ng isda sa bayan, lalo na’t kailangan ng malalim na oryentasyon sa pagtanim ng bakawan o mangrove lalo na kung paano ito mapangalagaan.

Hanggang ngayon kasi problema pa rin ng bayan ang kulang na supply ng isda, halos kulang na rin ang nakukuhang lamang dagat kagaya ng, alimasag, tahong, hipon, takal at iba pa na nagiging pangunahing hanap-buhay ng mga residente sa bayan.

Sa panayam naman kay Kapitan Paul Santos, ng Barangay Sabang, maliban sa nais nilang mapagyaman pa ang San Miguel Bay, isa rin sa pinapalakas nilang pagbabantay sa mga iligal na panghuhuli ng ilang mga mangingisda na mula pa ng bayan, upang mapangalagaan ang karagatan at mapanatili ang magandang kondisyon ng mangrove plantation sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *