81 anyos na lolo, nakitang nakahandusay at sugatan sa bayan ng Narra

Iniimbestigahan na ng Narra PNP ang nangyari kay Mr. Juanito Barnacha Garcia, 81, residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Antipuluan, Narra Palawan.

Ayon sa Narra PNP, kahapon, ika- 15 ng Setyembre sa ganap na alas-otso ng umaga ay pumunta sa  Narra PNP si ginoong Jun Laungayan Garcia at inulat nito ang nangyari sa kanyang ama na si Juanito na isinugod ng Narra Emergency Response Unit sa Narra Municipal Hospital.

Napag-alaman na si ginoong Juanito ay nakitang nakadapa sa loob ng kanilang bahay at dugoan noong alas-syete ng gabi ng Martes.

Nakitaan ito ng sugat sa kaliwang bahagi ng mata at sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *