902nd Infantry Brigade, naglunsad na rin ng Community Pantry

CAMARINES NORTE- Naglunsad ng Community Pantry ang 902nd Infantry (Fight and Serve) Brigade na pinamumunuan ni Col. Jaime A. Abawag Jr. sa Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte na may temang “Pagkain ko, Pagkain mo, Para sa nagkakaisang Tayo” nitong umaga ng Mayo 4.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Col. Moises M. Nayve Jr. Deputy Brigade Commander bilang kinatawan ni Col. Jaime Abawag Jr.,

Ang community pantry ay naglalaman ng mga bigas, de lata, manok, noodles, hotdog, itlog, pancit, sabon, tsinelas at iba’t-ibang gulay kung saan nabiyayaan ang nasa isang daan limampung (150) mahihirap na pamilya

Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan na nabahagian ng tulong mula sa community pantry.

Naidaos ang aktibidad katuwang Brgy Council ng Brgy Tulay na lupa sa tulong ng iba’t-ibang mamamayan ng Camarines Norte na nagbahagi ng kanilang biyaya para sa mga mahihirap na pamilya.

Siniguro naman na  nasunod ang Health Protocol sa isinagawang aktibidad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *