94-anyos na lolo nagpabakuna kontra COVID-19 sa Camarines Sur

NAGA CITY—Kahit nangangatog ang katawan at may iniindang karamdaman, ay hindi ito naging hadlang para sa isang 94-anyos na Lolo para magpabakuna laban sa COVID-19  sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur.

Ayon kay Lolo Reinaldo Corre Sr., residente ng Barangay Sta. Maria, isa lang ang nagtulak sa kaniya upang magpabakuna, ang pamilya na nais niyang protektahan.

Aniya, vulnerable o madali silang dapuan ng mga masakit lalo na ng COVID-19, kaya kung magkakasakit siya ay malaki ang tiyansa na mahawaan niya rin ang kaniyang mga mahal sa buhay bagay na ayaw niyang mangyari kaya siya ay kusang loob na nagpaturok ng CoronaVac ng Sinovac.

Hinikayat rin nito ang kapwa Senior Citizens sa buong lalawigan na huwag matakot magpabakuna, dahil hindi lang naman aniya ito para sa kanilang kaligtasan kundi pati narin ng kanilang mga mahal sa buhay.

Si Lolo Reinaldo ang pinakamatandang Senior Citizen sa Presentacion na nabakunahan na. Mayroon narin itong mahigit sa 20 apo at siyam na anak.

Samanta sa Naga City, marami na ang bilang ng mga senior citizens gustong magpabakuna ng Coronavac dahil sa wala naman daw itong side effects, ayun sa mga naunang nabakunahang mga lolo at lola.

Kahapon 385 ang naturukan, 349 ang naka schedule na maturukan ngayong araw. 20-libo seniors ang target mabakunahan sa Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *