Mga pumanaw na health workers dahil sa COVID-19, higit 100 na

Pumapalo sa kabuoang 104 healthcare workers na nahawa ng COVID-19 ang pumanaw.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 24,284 healthcare workers ang nagpositibo sa virus mula September 13, kung saan 0.4 percent dito ang nasawi.

Mula sa kabuoang tally, 98.1 percent o 23,814 ang nakarekober na, 1.4 percent o 366 ang nagpapadaling pa.

Sa mga active cases naman, 221 ang mild, 95 ang asymptomatic, 20 ang moderate, 21 ang may severe condition, at siyam ang nasa kritikal ngayon.

Mababatid na maraming health workers ang nagsasagawa ng sunod-sunod na protesta para isigaw ang pagpapalabas sa delayed na special risk allowances habang patuloy na nagsisilbing mga COVID-19 frontlines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *