Abaca production sa lalawigan ng Sorsogon tumaas ng 43% noong 2022 kumpara sa mga nakaraang taon

Tumaas ang produksyon ng abaka sa lalawigan ng Sorsogon noong nakaraang taon kumpara sa taong 2020 at 2021.

Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority o PhilFIDA Sorsogon Director Ann Molina, 336 metriko tonelada ng abaka ang kanilang naitala noong taong 2022 kumpara sa 235 metric ton na produksyon noong 2020 at 2021. Nadagdagan ito ng 101 metric ton o 43%.

Samantala, umabot naman sa average na 268 metric ton ang produksyon ng abaca sa lalawigan sa loob ng tatlong taon katumbas naman ito ng 1.32% na kontribusyon ng Sorsogon para sa total average production sa buong Rehiyong Bicol kung saan pang-apat ang lalawigan sa may mataas na kontribusyon sa abaca production mula sa limang abaca producing province sa Bicol Region sunod sa Camarines Sur.

Una rito, sinabi ng opisyal na mula sa 6 na mga munisipalidad sa Sorsogon na mayroong abaca production ay nangunguna ang mga bayan ng Juban at Casiguran gayundin ang lungsod ng Sorsogon at sinundan ng  mga bayan ng Gubat, Bulusan at Irosin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *