Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte apat na lang

CAMARINES NORTE – Nakapagtala pa rin ang lalawigan ng Camarines Norte ng apat na aktibong kaso ng COVID- 19 pero bumaba na ito sa apat mula sa double digit noong mga nagdaang linggo.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco.

Ang mga bayan na mayroong aktibong kaso ng sakit ay ang Basud, Daet, Jose Panganiban at Paracale.

Sa ngayon ay umaabot na sa kabuuang 4, 931 ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte.

Sa bilang na ito 293 ang naitala mula Enero hanggang nitong Agosto 7 ng taong kasalukuyan.

Nasa 19 naman ang nasawi dahil sa sakit sa nabanggit na panahon.

Dahil dito sumampa na sa 295 o 5. 98 % ang kabuuang bilang ng mga nasawi mula noong 2020.

Umaabot naman sa 4, 632 ang total recoveries o 93. 94 %.

Samantala, itinigil na ng Department of Health ang daily update sa COVID- 19 ilang linggo makaraang bawiin  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of public health emergency.

Sa halip magiging lingguhan na lamang ang ipapapalabas na COVID- 19 bulletin ng ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *