Albay, nanganganib na mawalan ng kuryente ngayong sasapit ang Pasko kung hindi pa mababayaran ang utang – ALECO

Malaki umano ang posibilidad na mawalan o maputulan ng kuryente ang buong lalawigan ng Albay kung hindi pa mababayaran ng Albay Power and Energy Corp. (APEC) ang utang noon ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na aabot sa apat na bilyumpiso.

Ayon kay ALECO spokesperson Director Roy Cometa, posibleng madilim na Pasko ang sasapitin ng mga Albayano kung hindi mababayaran ang nasabing utang.

Binigyang-diin din ng opisyal na ang kinakaharap na sitwasyon ay maituturing bilang crucial at kritikal, kung kaya sa ngayon ay tinututukan ng National Electrification Administration (NEA), maging ng kanilang management ang mga dues na nasa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).

Aniya, makakaahon umano ang lahat kapag nabayaran na ang lahat ng dues sa IEMOP.

Hindi naman sinabi ni Cometa kung ilan ang tinatayang porsyento ng sinabi niyang posibilidad na mawalan ng kuryente ang lalawigan, ngunit panawagan niya lamang sa mga konsumer na gawin ang obligasyon ng pagbabayad ng mga bill sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *