Albayanang OFW sa Dubai na biktima ng illegal recruitment, nananawagan upang makauwi sa Pilipinas; OWWA Bicol, gumagawa na ng hakbang

LEGAZPI CITY – Isa na namang Overseas Filipino Worker (OFW) na tubong Albay ang nananawagang makabalik o makauwi na sa Pilipinas.

Ito ay matapos na diumano’y mabiktima sa illegal recruitment.

Kinilala itong si Rose Ann Broqueza Robrigado mula sa bayan ng Guinobatan ng nasabing lalawigan at kasalukuyang nagtatrabho sa Dubai.

Batay sa nakalap na impormasyon, sa bansang Kuwait dapat ito naka-deploy, ngunit nag-cross country mula nang mnagtapos ang kontrata sa unang employer nito sa nabanggit na bansa.

Subalit, sa Dubai naman, minamaltrato umano siya ng kasalukuyang employer dahil nalamang illegal recruitment ang pinagmulan ni Robrigado.

Sa nagging panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol Spokesperson, Via Dometita, sinabi niyang gumagawa na sila ngayon ng hakbang upang matulungang makauwi si Robrigado.

Aniya, nakausap na ng case officer ang pamilya ng OFW at na-endorse na rin sa Migrant Workers Office (MWO) Dubai ang kaso nito noong Abril 11.

Sa ngayon, ayon kay Dometita, inaasikaso na ng Philippine Embassy ang mga proseso upang mapauwi si Robrigado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *