Perfume line ng isang modelo sa Brazil, ipinagmalaki ang kanyang natural body odor na sangkap sa kanyang mga pabango

IPINAGMALAKI ng isang modelo sa Brazil na si Wanessa Moura ang kanyang bagong labas na perfume line dahil ang kanyang natural body odor lang naman ang ginamit na pangunahing ingredient sa pag formulate ng kanyang mga pabango.

Ayon kay Wanessa, bawat bote ng kanyang mga pabango ay naglalaman ng 8 milililiters na pawis na mula mismo sa kanyang katawan kung kaya’t ang kanyang perfume line ay tinawag niya na ” Fresh Goddess”. Nabuo umano ang konsepto na ito dahil sa mga naging karelasyon ng nasabing modelo na pumupuri sa kanyang natural body odor bilang ” sexy at exciting”.

Pinatunayan din ito ng isa sa mga nakabili ng pabango ni Wanessa na mabango at epektibo ito sa pang- aakit dahil simula nang gamitin niya ito dalawang beses na siyang nakatanggap ng imbitasyon na makipag- date.

Samantala nagkakahalaga naman ng 690 brazillian real ang bawat 150ml na bote ng Fresh Goddess kung saan pumapatak ito ng P 7,600 kung itutumbas ito sa philippine peso. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *