Anti-poverty programs, nakatulong sa pagbaba ng bilang ng mahirap at nagugutom – Kamara

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang resulta ng survey na nagpapakitang bumaba ang “self-rated poverty” at gutom sa mga pamilyang Pilipino.

Batay kasi sa findings ng OCTA Research ay bumaba ng tatlong porsyento ang mga pamilyang nagsabing mahirap at nagugutom sila sa first quarter ng taon.

Ayon kay Romualdez, bunga ito ng anti-poverty programs ng administrasyong Marcos na kinabibilangan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at ang mga inisyatiba ng Kamara tulad ng Cash and Rice Distribution o CARD program.

Kinakatawan aniya nito ang pagbaba ng bilang na walongdaang libong pamilya sa parehong kategorya na malinaw na indikasyon na epektibong naaabot at bumubuti ang buhay ng mga Pilipino dahil sa economic measures.

Malaki rin umano ang kontribusyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS, TUPAD program, libreng health insueance, direct cash subsidies at libreng college education.

Paliwanag pa ni Romualdez, binibigyang-diin ng positibong resulta sa pagsugpo sa kahirapan at gutom ang epekto ng targeted policies na layong paigtingin ang economic stability at pagbibigay ng suporta sa vulnerable sectors.

Bukod dito, ipinunto ng Speaker na naging matagumpay ang food security programs habang ang BPSF ay nakapamahagi na ng bilyun-bilyong pisong halaga ng ayuda at serbisyo ng gobyerno sa labinlimang probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *