Lagay ng Mt. Asog sa Camarines Sur, minonitor pa rin matapos ang forest fire- OCD Bicol

CAMARINES SUR- Ipinagpatuloy ang pag-antabay sa lagay ng Mt. Asog sa Camarines Sur kahapon kahit na deklarado na itong fire out ang forest fire alas 12:52 ng tanghali nitong Lunes Abril 22, 2024.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Office of the Civil Defense Regional Director Claudio Yucot. Aniya nag standby pa rin ang Philippine Air Force dahil sa matinding init ng panahon at hindi malayong sumiklab muli ang apoy. Wala naman mga kabahayan sa itaas na sakop ng Iriga City at bayan ng Buhi.

Pinatitibay din ng OCD ang koordinasyon sa Bureau of Fire Protection, nanawagan din si Yucot sa Publiko na iwasan ang mga siga at pagtapon ng upos ng sigarilyo sa mga tuyong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *