Apat na most wanted ng Juban Police, sunod-sunod na naaresto

SORSOGON CITY – Sunod-sunod na naaresto ang tatlong most wanted person na may mga kasong panggagahasa habang ang isa ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse sa magkakahiwalay na petsa at lugar.

Unang naaresto ang rank No. 1 most wanted na si Jonathan Medalla Floralde sa Brgy Catanusan, Juban, Sorsogon. Nagtago ito sa batas ng halos 6 na taon matapos ang panghahalay na ginawa sa kanyang biktima.

Samantala, sa labas naman ng rehiyon naaresto ang tatlo pang most wanted person na sina Guiller Alfonso Capunpon, 37-anyos ng Brgy Biriran, Juban na naaresto sa Biṅan, Laguna, itinuturing itong No. 2 most wanted habang ang rank No. 3 most wanted na si Danilo Noleal Castillo, 49-anyos na taga Calateo, Juban ay naaresto sa Brgy San Jose, Rodriguez Rizal. Si Capunpon ay nagtago ng 9 na taon habang si Castillo ay halos dalawang dekadang nagtago sa batas.

Ang rank No. 4 most wanted na si Norman Flores Derit, 32-anyos, tubong Brgy Sipaya, Juban ay nadakma sa Caloocan City, Metro Manila. Nagtago ito ng 11 taon dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse.

Nabatid na ang mga asunto sa apat na akusado ay walang kaukulang piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *